Friday, December 14, 2007

Dec. 22 Simbang Gabi

Commentary 1: Fr. Alex Muaña, SVD
Professor of Missiology
Divine Word Seminary
Tagaytay City

Commentary 2: Fr. Raymun J. Festin, SVD
Professor of Philosophy
Christ the King Seminary
Quezon City

Reading 1: 1 Sm 1:24-28
Responsorial Psalm:
1 Samuel 2:1, 4-5, 6-7, 8abcd
R. (see 1a) My heart exults in the Lord, my Savior.
Gospel:
Lk 1:46-56

COMMENTARY 1 (in Filipino)
Alam po ninyo may alamat ng dalawang anghel na ipinadala sa mundo upang tipunin and lahat ng mga panalangin ng tao. Ang isa ay inaatasang punuin ang kanyang bayong ng mga petisyon ng sangkatauhan. Ang isa nama’y binigyan ng misyon upang tipunin ang mga dasal pasasalamat ng tao. Pumunta nga sila sa mundo at pagkatapos nilang ikutin ang buong sanlibutan sila’y bumalik sa langit. Ang isa ay tuwang-tuwa dahil umaapaw sa napakaraming petisyon ng tao ang kanyong bayong; subalit ang isa nama’y malungkot dahil iisa lang ang laman ng kanyang bayong. Ang dasal pasasalamat ng tao ay naririnig sa langit pero bihira sa mundo kahit na sinikap ng anghel na hanapin ito.

Mga kapatid kung titingnan natin ang ating pakikipag-ugnayan sa Diyos ay maari nating ihalintulad ang kuwentong ito sa ating buhay bilang mga Kristiyano. Kadalasan ang ating mga dasal ay nakatutok lamang sa mga petisyon o kahilingan natin sa Diyos. Panginoon ipagkaloob mo sa akin ang katiwasayan ng buhay. Sana manalo ako sa lotto ngayong pasko para marami akong pera. Sana matagpuan ko na ang aking “dream girl” o “dream boy” ngayong pasko. Walang masama ang humiling ng isang bagay sa Diyos. Subalit kung halos lahat ng ating dasal ay nakatuon lang sa petisyon at nakalimutan natin ang dasal pasasalamat sa Diyos ay iba na iyan...

Ang katagang “thanksgiving” ay binuo sa dalawang salita: “thanks” means magpapasalamat at “giving” means magbigayan. Ang katagang “thanksgiving” ay hindi kompleto kung hanggang bigay nang bigay lang ang Diyos sa atin. Kailangan ding magpasalamat tayo sa kanya na siyang bukal sa lahat ng ating buhay.


Sa ating ebanghelyo ngayon ay binigyang pansin natin ang “magnificat” ni Maria. Ito ay isang awit o dasal pasasalamat ni Maria sa kagandahang loob ng Diyos sa kanya. Napag-alaman natin na si Maria ay pinili ng Diyos upang maging ina ng kanyang bugtong na anak. Hindi ba ito isang pagpapahalaga ng Diyos kay Maria? Isang babaeng taga-probinsiya at walang kabantuganang maipagmamalaki ay gawing ina ng Diyos. Kaya nga punong-puno sa pagpupuri at kagalakan ang puso ni Maria ng dasalin niya ang “magnificat” ang panalanging pasasalamat.


Pinasalamatan ni Maria ang Diyos sa pagpili sa kanya, kahit siya’y mahinang tao upang gampanan ang kanyang natatanging tungkulin. Hindi nangangailangan ang Diyos ng mga sikat na tao. At lalong hindi niya binigyan ng pansin ang mga taong ang akala sa sarili nila’y sila na ang pinakamagaling sa lahat upang gampanan ang dakilang gawain ng Diyos. Sa 1 Cor. 1:28, makikita natin na pinili ng Diyos ang mga itinuturing na hamak, walang halaga, at walang kabuluhan sa sanlibutang ito upang pawalang-halaga ang mga itinuturing na dakila sa sanlibutan.


Nagpapasalamat si Maria sa Diyos sa pagtupad ng kanyang pangako na magpadala ng tagapagligtas. Kung tapat ang Diyos sa kanyang pangako kay Maria, tapat din ang Diyos sa kanyang pangako para sa atin. Ang lahat ng biyaya ng Diyos para sa atin: pamilya, pananampalataya, kaibigan, bokasyon, edukasyon, kahit ang ating mga pagkakamali o pagsubok ay sapat na upang maranasan natin ang walang pasubaling pagmamahal ng Diyos sa atin. Kung ano man tayo ngayon ay hindi dahil sa ating sariling gawa kundi dahil sa katapatan at walang katapusang pagmamahal ng Diyos. Kaya dapat lang na pasalamatan natin siya ng buong-buo at papurihan sa lahat ng kagandahang loob niya sa ating buhay.

Mga kapatid sa ating pagpapatuloy ng ating pagdiriwang ngayon alalahanin natin na ang Misa ay ang pinakamataas na uri na pasasalamat na maihahandog natin sa Diyos. Kaya gawin natin itong isang personal at espesiyal na pasasalamat sa kanya sa lahat ng mga biyaya na ipinagkaloob niya sa ating buhay – materyal man o pang espirituwal. Buong puso nating pasalamatan at purihin siya habang dinadalangin natin ang “magnificat” ni Maria: “Ang puso ko’y nagpupuri sa Panginoon, at nagagalak ang aking espiritu dahil sa Diyos na aking Tagapagligtas. Sapagkat nilingap niya ang kanyang abang alipin.”

COMMENTARY 2 (from Bible Diary 2006)

Mary’s Magnificat is a prayer, a poem, a psalm, and a paean – rolled into one.

It also tells a story. It tells of the God who exalts the humble, the God who is merciful. It is a story of the storyteller herself, for it recounts how a lowly maidservant was raised to the highest honor of being the Mother of God.

She is the most blessed of all. The Angel Gabriel said it. Elizabeth pronounced it. Now, Mary herself confirms it: “All generations will call me blessed.”

Why blessed? Because the Lord is with her, as Gabriel said. That is why the measure of grace is filled up to the brim. Mary wants nothing. She has Jesus. Jesus is more than enough.

One wonders how many secret things she knew about Jesus. Certainly, she had a lot of these treasures. For she experienced the joy of being with Jesus for the longest time.

Because of this singular joy, Mary must have recited the Magnificat throughout her life – in moments of solitude and prayer. Her lips must have uttered praises to God a million times over: “My soul magnifies the Lord, my spirit rejoices in God, my Savior.”

Perhaps, she even sang her Magnificat on the way to Calvary as she accompanied her Son. For the Magnificat is not only a song of praise uttered in a moment of deepest joy. It is also a canticle of faith expressed in a moment of deepest sorrow.

Even as she watched her Son suffer and die, Mary knew deep in her heart that God’s promise was being fulfilled.

That is the deeper meaning of her Magnificat.

No comments: